Pages

Monday, December 27, 2010

Gusto Ko Ikaw

Gusto kitang intindihin.
Gusto kitang pagpasensyahan.
Gusto kong matanggap ko na ganyan ka.
Gusto kong matanggap na ganito ang sitwasyon at hindi ang ninais at pinangarap ko.
Gusto kong makiayon sa mga hilig at trip mo.
Gusto kong makiayon sa tingin mo sa mundo.
Gusto kong magets ang bawat hirit at joke mo.
Gusto kong magets ang personalidad mo.
Gusto kong paniwalaan ang bawat salita na sinasabi mo.
Gusto kong paniwalaan na tutuparin mo ang mga salitang iyon.
Gusto kong magbago sa paraang gusto mo.
Gusto kong magbago upang magustuhan mo.
Gusto kong nandito ka ngayon sa tabi ko.

0 comments:

Post a Comment

 

Sample text

Sample Text